^

Metro

Dahil sa gutom ginang nagbigti

-
Gutom at kahirapan ang nagtulak sa isang 38-anyos na ginang upang magpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti sa loob ng kanyang dampa, kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Navotas.

Patay na nang idating sa Tondo Medical Center ang ginang na si Susan Avila ng Bagong Highway, North Bay Boulevard South ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat, dakong alas-3 ng umaga nang matagpuan ang ginang na nakabigti sa kanyang bahay gamit ang isang nylon cord ng kanyang ka-live-in na si Vicente Herman.

Binanggit pa ni Herman na nakita niyang nangingisay at nakabigti si Avila kaya mabilis niyang kinalas ang pagkatali nito at saka isinugod sa ospital.

Binanggit pa nito na ilang araw na umanong tuliro si Avila at laging idinadaing ang kahirapan at gutom. Binibigkas pa umano nito na mas mabuti pa ang mamatay. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AVILA

AYON

BAGONG HIGHWAY

BINANGGIT

BINIBIGKAS

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

ROSE TAMAYO

SUSAN AVILA

TONDO MEDICAL CENTER

VICENTE HERMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with