^

Metro

Misis kinatay ni mister

-
Selos ang isa sa tinitingnang dahilan ng pulisya kung bakit tinadtad ng saksak hanggang sa mapatay ng kanyang mister ang isang 25-anyos na ginang, kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Patay na bago pa man idating sa PGH ang biktima na nakilalang si Marry Llanes, store helper, ng St. Joseph Subd., Brgy. Pulang Lupa 2 ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong maraming saksak sa katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspect na mister na si Nolie Llanes, 35, isang fish vendor matapos ang isinagawang krimen.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-9:10 ng umaga sa loob mismo ng bahay ng mag-asawa. Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa na humantong upang saksakin ng ilang ulit ng suspect ang kanyang misis.

Sa inisyal na pagsisiyasat posibleng selos umano ang pinagmulan ng away ng mag-asawa, gayunman tinitingnan pa rin ng pulisya ang iba pang maaaring motibo sa naganap na krimen.

Patuloy namang pinaghahanap ang suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

LAS PI

LORDETH BONILLA

MABILIS

MARRY LLANES

NAGKAROON

NOLIE LLANES

PATAY

PULANG LUPA

ST. JOSEPH SUBD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with