Holdaper todas sa shootout, 1 pa arestado
June 21, 2003 | 12:00am
Isang holdaper ang napatay, samantalang isa pa nitong kasamahan ang nadakip matapos na makipagpalitan ng putok sa mga kagawad ng pulisya, kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Marikina.
Nasawi habang ginagamot sa Amang Rodriguez Medical Center ang suspect na si Michael dela Cruz, 25, ng Taytay, Rizal na nagtamo ng isang tama ng bala sa tiyan, samantalang naaresto ang kasama nitong si Celestino Layola, 18.
Ang shootout ay naganap makaraang holdapin ng mga suspect ang isang pampasaherong jeep dakong alas-8 ng gabi sa kahabaan ng Calderon St., Brgy. Calumpang ng nasabing lungsod.
Nabatid na tinutukan ng mga suspect ang isang pasahero na nakilalang si Merlie Manasay, 18. Pilit na kinukuha ng mga suspect ang bag ng biktima subalit tumanggi itong ibigay kaya nagkaroon ng komosyon sa loob ng jeep.
Tiyempo naman na namataan ng isang mobile car ang nagaganap sa jeep kaya agad na nagresponde ang mga lulan ditong pulis.
Nang makita ng mga suspect na papalapit sa kanila ang mga pulis ay mabilis nila itong pinaputukan dahilan upang gumanti ng putok ang mga awtoridad at tinamaan si dela Cruz.
Dahil dito, napilitan namang sumuko si Layola.
Nabawi sa mga suspect ang isang 9mm pistol at .38 cal. rev. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended