^

Metro

Traffic enforcer huli sa video habang nangongotong sa Intsik

-
Isang traffic enforcer ang nakuhanan ng video sa aktong tumatanggap ng kotong money buhat sa isang negosyanteng Filipino-Chinese na kanyang hinuli sa traffic violation, kahapon ng umaga sa lungsod ng Maynila.

Hindi na nakapalag nang arestuhin ang suspect na si Alfredo Isla, 48, residente ng #725 Interior 53 Laong-Laan, Tondo.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa kahabaan ng Soler St., Binondo. Nabatid na hinuli ni Isla dahil sa isang traffic violation ang Filipino-Chinese na si Romeo Tan, ng #1130 Benavidez St., Binondo.

Aminado naman umano siya na may violation siya at sinabing tikitan na lamang agad siya dahil sa nagmamadali. Hindi naman pumayag ang suspect at sinabing ibibigay ang kanyang lisensya kung pag-uusapan na lamang nila.

Dito na tinawagan ni Tan sa pamamagitan ng cellphone ang kaibigang si SPO2 Fernando Cantillas, nakatalaga sa WPD-Drug Enforcement Unit at sinumbong ang pangongotong sa kanya. Nagkasundo naman ang dalawa na huhulihin sa akto si Isla.

Nang dumating na si Cantillas, dala na nito ang isang video camera at kinuhanan sa akto si Isla na inaabot ang P200 buhat kay Tan bago ito arestuhin. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALFREDO ISLA

BENAVIDEZ ST.

BINONDO

DANILO GARCIA

DRUG ENFORCEMENT UNIT

FERNANDO CANTILLAS

FILIPINO-CHINESE

ISLA

ROMEO TAN

SOLER ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with