^

Metro

Senado nabahala sa pagkawala ng Dacer-slay witness

-
Isang malaking misteryo ang biglang pagkawala ng nag-iisang testigo sa double-murder case nina PR man Buddy Dacer at driver nitong si Manuel Corvito na si Supt. Glenn Dumlao, dating tauhan ni Sen. Panfilo Lacson sa Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF), na huling nakitang kasama ang 3 kaibigan habang papalabas sa isang restaurant sa Quezon City may isang linggo na ang nakakaraan.

Ayon kay Sen. Robert Barbers, chairman ng Senate committe on public order and illegal drugs, dapat ay pagtuunan ng pansin ng Philippine National Police (PNP) at Department of Justice (DOJ) ang pagsisiyasat sa biglang pagkawala ni Supt. Dumlao dahil ito na lamang ang nag-iisang testigo para malutas ang pagpaslang kina Dacer at Corvito.

Sinabi ni Sen. Barbers na wala siyang tinutukoy na grupong posibleng dumukot sa nasabing testigo na nasa ilalim ng pangangalaga ng Witness Protection Program (WPP) ng DOJ kaya dapat kumilos ang PNP-Intelligence group at AFP Intelligence community para magkatuwang na hanapin ang nawawalang testigo sa twin-slay nina Dacer at Corvito.

Aniya, mahalaga ang magiging testimonya ni Dumlao na dating PAOCTF member sa Dacer-Corvito twin-slay case matapos magsumite ito ng kanyang affidavit sa National Bureau of Investigation (NBI) na nagtuturo kina Supt. Cesar Mancao at Supt. Michael Ray Aquino na nag-utos umano kay Teofilo Viña para "itumba" ang PR man at driver nito.

Sina Mancao at Aquino ay pawang mga tauhan ni Sen. Panfilo Lacson nang pinamumunuan pa nito ang PAOCTF.

Natagpuan ang bangkay ng PR man at driver nito sa isang bayan sa Cavite matapos ang isang linggong pagkawala ng mga ito makaraang iulat na dinukot habang patungo sa Manila Hotel noong Abril 2000.

Nasa Estados Unidos naman sina Mancao at Aquino sa kasalukuyan habang si Viña naman ay pinaslang ng isang balikbayan sa isang pagtitipon sa Cavite noong nakaraang taon.

Samantala, hands off naman ang reaksyon ng DOJ hinggil dito.

Ayon kay DOJ-Witness Protection Program chairman State Prosecutor Cielito Lindon Luyon na wala silang pananagutan kung totoo ang kumakalat na balitang nawawala umano si Supt. Dumlao.

Binanggit pa nito na nakatira si Dumlao sa kanyang pamilya at hindi sa safehouse dahil na rin sa kagustuhan nito at nakasailalim sa mga regulasyon ng nasabing programa.

Napag-alaman na binibigyan lamang ng security si Dumlao sa tuwing dadalo ito sa mga hearing. (Ulat nina Rudy Andal at Grace dela Cruz)

AQUINO

AYON

BUDDY DACER

CAVITE

CESAR MANCAO

CORVITO

DACER

DUMLAO

PANFILO LACSON

WITNESS PROTECTION PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with