Nag-suicide dahil walang trabaho

Dahil sa pagkabigong makahanap ng trabaho, isang 22-anyos na dalaga ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Rizza Mateo, ng #70 J. Ocampo St., Proj. 4, Quezon City.

Natagpuan ng kanyang ina na nakilalang si Vanessa Mateo, ang anak na bumubula ang bibig sa loob ng kuwarto nito dakong alas-5:30 kahapon ng umaga.

Patay na nang idating ito sa Quirino Memorial Hospital makaraang isugod ng kanyang mga kamag-anak.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, malamang umanong nabagot sa buhay si Rizza dahil sa pagkabigo nitong makahanap ng trabaho. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon para matiyak kung walang naganap na ‘foul play’ sa naganap na insidente. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments