^

Metro

Kotongerong BI personnel sa mga OFW bubusisiin

-
Uniutos kahapon ni Bureau of Immigration chief Andrea Domingo ang pagpapadala ng investigating team sa United Arab Emirates (UAE) bunsod ng alegasyon na ilang tauhan nito na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang ginagawang ‘gatasan’ ang mga papaalis na overseas Filipino workers na patungong Gitnang Silangan.

Ayon kay Domingo, inatasan na nito ang mga abogado ng BI na sina Gary Mendoza, chief ng Immigration Regulation Division at Arvin Santos, head ng BI special task force, na magtungo sa UAE upang magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa reklamo ng mga OFWs.

Makikipag-ugnayan sina Mendoza at Santos sa Philippine consulate ng Abu Dhabi sa isasagawang imbestigasyon, kung saan ay personal na kakapanayamin ang mga nagrereklamo at diringgin ang kanilang mga hinaing laban sa ilang BI officials para isumite naman kay Domingo ang ulat na resulta ng imbestigasyon, kalakip ang kanilang rekomendasyon sa pagbabalik sa bansa.

Ang direktiba ni Domingo ay nag-ugat mula sa napalathalang news item kaugnay ng alegasyon ng grupo ng mga OFWs na binansagang Bagong Bayani Lakas ng Bayan (Bayaniksan) na ilang BI personnel sa NAIA ay nanghihingi umano ng salapi bilang "padulas" para makaalis ang mga contract workers sa kabila ng kumpletong mga travel documents. (Ulat ni Butch Quejada)

ABU DHABI

ANDREA DOMINGO

ARVIN SANTOS

BAGONG BAYANI LAKAS

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

DOMINGO

GARY MENDOZA

GITNANG SILANGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with