8-anyos pupil patay sa aksidente, 1 pa kritikal
June 17, 2003 | 12:00am
Trahedya sa unang araw ng pasukan ang tinamo ng dalawang paslit na mag-aaral matapos na magkahawak kamay na masagasaan ng isang humaharurot na pampasaherong jeep, kahapon sa lungsod ng Maynila.
Isa sa mga biktima ang namatay noon din matapos na diretsang magulungan ang katawan. Ito ay nakilalang si Alfred Descalso, 8, grade 2 pupil sa Gat. Andres Bonifacio Elementary School sa Ipil St., Tayuman, Sta. Cruz, Maynila.
Kritikal naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang isa pang biktima na nakilalang si Jerome Rodriguez, 7, grade 1 pupil.
Ang kaskaserong driver na sumuko naman sa mga awtoridad ay si Reynante Solana, ng Blumentritt Divisoria, Manila.
Nabatid na papasok na sa panghapong sesyon ang magkapitbahay na mga biktima. Magkahawak pa ang kamay ng mga ito nang tumawid sa kalsada sa naturang lugar.
Humaharurot namang papadating ang jeep na minamaneho ng suspect nang biglang nag-over take sa kanang bahagi ng kalsada kaya huli na at hindi na makontrol ang manibela hanggang sa mahagip ang mga bata.
Namatay noon din si Descalso, habang mabilis namang isinugod sa pagamutan si Rodriguez nang makita ng mga nakasaksi na humihinga pa ito.
Nakapiit na ang driver na si Solana at inihahanda na ang kaukulang kaso laban dito.(Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am