Nambatok ng siga, binurda ng bala

Isang kinikilalang siga sa kanilang lugar ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang hindi nakilalang lalaki matapos na mambatok ang una kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Ang biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala mula sa 9mm na baril ay si Jimmy So, 19, binata at nakatira sa 38 St. Joseph St., Barangay Merville, Parañaque.

Ayon sa report, naglalakad umano ang biktima sa Dao Palad Access road sa boundary ng Pasay at Parañaque ng pagbabarilin ito ng hindi nakilalang suspect na ikinasawi nito.

Napag-alaman ng pulisya na bago ang pangyayari ay mayroon umanong binatukan ang biktima sa kabilang barangay kaya ipinapalagay ng mga awtoridad na naghiganti ang sinaktan ni So. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments