^

Metro

BF pagtatanimin ng puno ni GMA

-
Walang magagawa si MMDA chairman Bayani Fernando kundi sumunod sa kautusan ni Pangulong Arroyo na magtanim ng puno sa darating na June 25 bilang pagkilala sa "Philippine Arbor Day" matapos na pag-initan nitong putulin ang nakatanim na puno para paluwagin umano ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Iniutos ni Pangulong Arroyo sa lahat ng opisyal ng pamahalaan na pangunahan ang pagtatanim ng puno sa nasabing araw kabilang si MMDA chairman Fernando.

Sinabi ni GMA na malaki ang maitutulong ng Philippine Arbor Day upang mabatid ng mamamayan ang kahalagahan ng puno.

Inaasahan ng Pangulo ang lahat ng ahensiya ng gobyerno, mga pribadong sektor, pampubliko at pribadong paaralan para makiisa sa nationwide tree planting na ito sa June 25.

Magugunita na binatikos si Chairman Fernando ng mga pulitiko at environmentalists dahil sa pinagpuputol nito ang mga puno sa Kalayaan Avenue sa QC at tinangka din nitong putulin ang mga nakatanim na puno sa Julia Vargas sa Pasig subalit hindi pumayag si Pasig Mayor Soledad Eusebio.

Kabilang sa bumatikos kay BF sina Senate Minority Leader Vicente Sotto III at Majority Leader Loren Legarda na namumuno sa Luntiang Pilipinas sa ginagawang pagpuputol ng puno nito.

Iginiit nina Sotto at Legarda na malaki ang naitutulong ng mga puno at hindi naman ito nakakaperwisyo sa trapiko dahil nakatanim naman ito sa gilid ng kalye o nasa island. (Ulat ni Edwin Balasa)

BAYANI FERNANDO

CHAIRMAN FERNANDO

EDWIN BALASA

JULIA VARGAS

KALAYAAN AVENUE

LUNTIANG PILIPINAS

MAJORITY LEADER LOREN LEGARDA

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE ARBOR DAY

PUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with