^

Metro

Utak sa pagpatay sa Tsinoy timbog sa NAIA

-
Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Immigration, Phil. National Police-Aviation Security Group (PNP-ASG) at Caloocan Police ang isang negosyante na tinuturong ‘utak’ sa pagpatay sa isang Filipino-Chinese trader sa Caloocan City habang papatakas patungong Los Angeles, California sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni BI-NAIA head supervisor Ferdinand Sampol ang suspect na si Antonio Enrique Urera alyas Ricky, 39, binata, ng 70 Roxas Cuve Pacific, Alabang, Muntinlupa City.

Nakatakda sanang sumakay si Urera sa PAL flight PR-102 bandang alas-10 ng gabi ng ito ay masabat ng mga awtoridad.

Si Urera ay dating kaklase sa University of Sto. Tomas at matalik na kaibigan umano ng biktimang si George L. Kawachi, 36, binata, may-ari ng George Raymundo Pawnshop at residente ng 171 J.P. Rizal St., Maypajo, Caloocan.

Lumalabas sa ulat na dakong alas-9 ng gabi nang maaresto ang suspect sa NAIA nang magtangka itong ‘lumipad’ patungong Estados Unidos.

Nakatanggap ng impormasyon ang Caloocan Police sa tangkang pagtakas ni Urera kaya agad na nakipag-ugnayan sa awtoridad sa NAIA.

Base sa rekord, noong Hunyo 8, dakong alas-8 ng umaga nang matagpuan si Kawachi na tadtad ng saksak sa katawan at naliligo sa sariling dugo sa loob ng kuwarto nito.

Nabatid na bago ang krimen, naiwan umanong mag-isa sa bahay ang biktima at may hinihintay na kaibigan at nabanggit nito ang pangalan ng suspect.

Mariing pinabulaanan ng suspect ang nasabing krimen. (Ulat nina Butch Quejada/Gemma Amargo)

vuukle comment

ANTONIO ENRIQUE URERA

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

ESTADOS UNIDOS

FERDINAND SAMPOL

GEMMA AMARGO

GEORGE L

GEORGE RAYMUNDO PAWNSHOP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with