^

Metro

Lolo tumalon sa 6th floor ng PGH, patay

-
Hindi na natiis ng isang 68-anyos na lolo ang matagal na pagdurusa dahil sa matinding pananakit ng kanyang sikmura makaraang magpakamatay ito sa pamamagitan ng pagtalon sa ika-6 na palapag ng Philippine General Hospital (PGH) kahapon ng madaling-araw sa Maynila.

Lasug-lasog ang katawan at halos madurog ang bungo sanhi ng agarang kamatayan ng biktima na si Armando Sedilla, may-asawa, walang trabaho, ng San Jose del Monte, Bulacan.

Sa ulat ng Western Police District-Homicide Division, dakong alas-3 ng madaling-araw nang maganap ang insidente.

Nauna rito, tinanggihan ng biktima ang gamot na ipinapainom ng kanyang nurse at nagpaalam pa ito na tutungo sa palikuran ng naturang pagamutan.

Nakarinig na lamang ang mga empleyado ng malakas na kalabog sa ground floor ng ospital na kinabagsakan ng biktima. Nang puntahan ng mga nakatalagang security guard ay nakita ang naghihingalo pang biktima.

Tinangka pang sagipin ang buhay ng nasabing lolo ng mga doktor subalit binawian din ito ng buhay.

Base sa rekord ng PGH, na-confine ang biktima noong Hunyo 9 dahil sa matinding pananakit ng sikmura. Isinailalim ito sa eksaminasyon upang mabatid ang karamdaman nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

ARMANDO SEDILLA

BULACAN

DANILO GARCIA

HUNYO

ISINAILALIM

LASUG

MAYNILA

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

SAN JOSE

WESTERN POLICE DISTRICT-HOMICIDE DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with