^

Metro

Lalaki ginilitan ang sarili

-
Upang matakasan ang kalbaryong dinadanas, isang lalaki ang nagawang gilitan ang kanyang sarili na naging dahilan ng kanyang kamatayan, kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Hindi na umabot pang buhay makaraang isugod sa East Avenue Medical Center si Robert Flores, ng 120 Riverside St., Brgy. Commonwealth dahil sa tinamong malalim na hiwa sa leeg.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon sa loob mismo ng bahay ng nasawi.

Ayon kay Delia, kapatid ni Robert na nakita na lamang niyang nakahandusay at naliligo sa sariling dugo ang kanyang kapatid sa may sala ng bahay.

Nakita rin niya na may malaki itong hiwa sa leeg at sa tabi ay nandoon ang isang matalas na kutsilyo.

Ayon sa ilang kaanak, masyadong dinamdam ni Robert ang kawalan niya ng trabaho na maaaring ito ang dahilan ng pagkaaburido nito at pagpapatiwakal. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BRGY

DELIA

DORIS FRANCHE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

NAKITA

QUEZON CITY

RIVERSIDE ST.

ROBERT FLORES

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with