Ito ang banta ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) dahil sa hindi pa rin umano naaksiyunan ng pamahalaan ang kanilang mga karaingan.
Inihalimbawa ni PISTON President Medardo Roda ang hindi pa pagkilos ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa kanilang inihaing petisyon na dagdag P1.00 sa singil sa pasahe sa mga pampasaherong jeep.
Bukod dito, hindi pa rin aniya naaksyunan ng pamahalaan ang kahilingan nilang matulungan sila na gamitin ang kamay na bakal upang iutos sa mga kompanya ng langis na mai-rollback ang halaga nito.
"Hindi kami magbibiyahe hanggat walang aksyon ang pamahalaang-Arroyo sa aming kahilingan," pahayag ni Roda. (Ulat ni Angie dela Cruz)