^

Metro

Pasukan sa Lunes, sasabayan ng welga

-
Sasabayan ng tigil-biyahe ng mga grupo ng transportasyon ang pormal na pagbubukas ng klase ng mga mag-aaral sa Metro Manila sa Lunes.

Ito ang banta ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) dahil sa hindi pa rin umano naaksiyunan ng pamahalaan ang kanilang mga karaingan.

Inihalimbawa ni PISTON President Medardo Roda ang hindi pa pagkilos ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa kanilang inihaing petisyon na dagdag P1.00 sa singil sa pasahe sa mga pampasaherong jeep.

Bukod dito, hindi pa rin aniya naaksyunan ng pamahalaan ang kahilingan nilang matulungan sila na gamitin ang kamay na bakal upang iutos sa mga kompanya ng langis na mai-rollback ang halaga nito.

"Hindi kami magbibiyahe hangga’t walang aksyon ang pamahalaang-Arroyo sa aming kahilingan," pahayag ni Roda. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

BUKOD

CRUZ

INIHALIMBAWA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

METRO MANILA

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGKAISANG SAMAHAN

PRESIDENT MEDARDO RODA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with