Sadistang Kano ipatatapon ng BI
June 11, 2003 | 12:00am
Nakatakdang ipatapon ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Amerikano makaraang maaresto dahil sa reklamo ng kanyang dating ka-live-in na Pinay na umanoy minaltrato at hinawahan nito ng sexually-transmitted disease (STD).
Ayon kay Immigration Commissioner Andrea Domingo ang pagkaaresto kay Gary Patrick Wilson, 63, ay nagbunsod matapos na magreklamo ang dating ka-live-in nito na si Fermina Lopez dahil sa pambubugbog at pang-aabusong sekswal ng nasabing suspect.
Si Wilson ay nakapiit ngayon sa BI jail sa Bicutan makaraang dakpin noong Sabado sa kanyang bahay sa Brgy. San Matias, Sto. Tomas Pampanga, habang inihahanda ang deportation proceedings laban dito dahil sa pagiging undesirable alien.
Sa reklamo ni Lopez, iginiit nitong nahawahan siya ni Wilson ng syphillis makaraang makipagtalik siya dito noong sila ay nagsasama pa. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended