Pulis kinuyog, napatay sa tupadahan
June 11, 2003 | 12:00am
Isa na namang kagawad ng Caloocan City police ang nasawi, habang sugatan pa ang isang tauhan ng Citizen Crime Watch matapos na saksakin ang mga ito nang magresponde sa isang tupadahan, kamakalawa ng umaga sa nasabing lungsod.
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan sanhi ng tinamong saksak sa kaliwang bahagi ng likuran ang biktimang si PO1 Roly Sabuguey, nakatalaga sa Police Community Precint 3 ng Station 1 ng Caloocan City Police.
Sugatan ang isa pang biktima na si Jordan de Vera ng CCW sanhi ng tinamong sugat sa ulo.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng umaga nang magresponde sina Sabuguey at de Vera sa isang tupadahan sa Phase 4, Blk 26 Excess Lot Bagong Silang sa nabanggit na lungsod matapos na makatanggap ng sumbong mula sa isang concerned citizen.
Naaktuhan ng mga biktima na nagsusugal sina Eduardo Donayog, 75, at Bernardo Iscultura , dahilan upang kanila itong dakpin at posasan.
Papaalis na ang dalawa dala ang mga dinakip nang bigla na lamang dumating ang isang ginang at pilit na pinipigilan ang dalawa sa ginawang pag-aresto sa mga sugarol.
Namataan naman ng ilang residente ang eksena at inakalang sinasaktan ng dalawang biktima ang ginang kung kaya kinuyog ng mga ito ang mga awtoridad at walang sabi-sabing pinagsasaksak.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito para malaman kung sinu-sino ang sangkot sa naganap na krimen.(Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended