^

Metro

3 paslit hinostage ng praning na ama

-
Isang 37-anyos na ama na lulong sa ipinagbabawal na gamot ang nagawang i-hostage ang kanyang tatlong paslit na anak kahapon ng umaga sa Makati City.

Nakakulong at nahaharap sa kasong child abuse ang suspect na nakilalang si Rigoberto Melo Manalang, walang trabaho ng Mocking Bird St., Brgy. Rizal ng naturang lungsod.

Nailigtas naman sa tiyak na kapahamakan ang hinostage na mga paslit na sina Irish Kate, 4; Dianne Erika, 5; at Rigo, 6.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang pangho-hostage dakong alas-7 ng umaga nang biglang magwala sa loob ng sarili nilang bahay ang suspect na noon ay nasa impluwensiya ng droga.

Armado ng dalawang kutsilyo, bigla nitong hinablot ang mga anak at saka hinostage. Binanggit nitong may humahabol at gustong pumatay sa kanya at ang tatlong bata ang ginagawa umano nitong panangga.

Palit-palit nitong tinututukan ng patalim ang kanyang tatlong anak.

Dahil dito, napilitan na ang asawa ng suspect na nakilalang si Maria Angeliza, 27, na humingi ng tulong sa pulisya.

Subalit bago pa man dumating ang mga pulis ay nasugatan na ng suspect ang isa sa kanyang mga anak na si Irish.

Samantala, nakakita ng pagkakataon si Maria Angeliza nang bitawan ng kanyang mister ang kanilang mga anak.

Mabilis nitong tinangkang agawin ang hawak na patalim at dahil dito agad na ring kumilos ang mga pulis at nasagip ang misis at ang tatlo nitong anak.

Nagtamo rin ng sugat sa kamay si Maria Angeliza bunga ng pag-agaw nito ng patalim sa kanyang mister.

Agad na nadakip ang suspect na ngayon ay nasa himpilan ng pulisya. Inihahanda na ang kaukulang kaso laban dito.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

ANAK

ARMADO

BINANGGIT

DIANNE ERIKA

IRISH KATE

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MARIA ANGELIZA

MOCKING BIRD ST.

RIGOBERTO MELO MANALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with