^

Metro

Nabigong umasenso sa Maynila nag-suicide

-
Makaraang mabigong iahon sa ginhawa ang kanyang pamilya na nasa probinsiya, nagpasya nang wakasan ng isang 28-anyos na lalaki ang kanyang buhay matapos itong magbigti kahapon ng madaling-araw sa Maynila.

Ang biktima ay nakilalang si Elmer Gamac, stay-in janitor sa 1560-T Ric Treasure R.P. Gonzales Bldg. P.Gil Ermita, ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng WPD-Homicide Division, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-7 ng umaga sa loob ng Room 21 sa 2nd Floor ng naturang gusali.

Huling nakita ng kanyang mga kasamahan ang biktima dakong alas-10 kamakalawa ng gabi na nagsusulat sa notebook at ayaw magpa-istorbo.

Gigisingin na ang biktima ng kanyang mga kasamahan nang makitang nakabitin na ito sa kisame gamit ang nylon cord.

Agad namang ibinasura ng pulisya ang anggulo na foul play dahil walang anumang sugat ang biktima.

Isang suicide note ang nakita sa higaan ng biktima na humihingi ng tawad sa kanyang mga magulang matapos na mabigong umasenso at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BIKTIMA

DANILO GARCIA

ELMER GAMAC

GIGISINGIN

GIL ERMITA

GONZALES BLDG

HOMICIDE DIVISION

HULING

ISANG

T RIC TREASURE R

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with