Si Vicente Sy, na nahatulan ng life imprisonment dahil sa kasong droga ay inginuso ng inmate na si Roberto Cruz na ka-transaksiyon ng una sa kanyang mga iligal na gawain.
Ayon kay Supt. Francisco Abunales ng NBP, sinalakay ang kubol ni Sy na nasa Maximum Security Compound kahapon ng umaga kung saan nakuha sa follow-up operation ang cellphone at toother na pinaniniwalaang ginagamit nito sa pagsinghot ng shabu.
Sa ngayon, si Sy ay inilagay sa isolation area sa NBP matapos na mabunyag ang pagpapakalat umano nito ng pekeng pera sa loob ng piitan.
Iginiit pa ni Abunales na kasalukuyang mino-monitor ang kilos ng iba pang preso na posibleng may kinalaman sa pagpapakalat ng mga pekeng pera sa NBP.
Dahil dito, sinabi ni Abunales na posibleng mabulok sa bilangguan si Sy bunga na rin ng panibagong kasong kakaharapin nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)