^

Metro

VIP treatment, posibleng mabulok sa Bilibid

-
Malaki ang posibilidad na mabulok sa bilangguan ang isang Filipino-Chinese na itinuturing na VIP inmate sa New Bilibid Prison makaraang ituro ng isa pang inmate na nakuhanan ng pekeng pera na umaabot sa P1.5 milyon kamakalawa ng umaga.

Si Vicente Sy, na nahatulan ng life imprisonment dahil sa kasong droga ay inginuso ng inmate na si Roberto Cruz na ka-transaksiyon ng una sa kanyang mga iligal na gawain.

Ayon kay Supt. Francisco Abunales ng NBP, sinalakay ang kubol ni Sy na nasa Maximum Security Compound kahapon ng umaga kung saan nakuha sa follow-up operation ang cellphone at toother na pinaniniwalaang ginagamit nito sa pagsinghot ng shabu.

Sa ngayon, si Sy ay inilagay sa isolation area sa NBP matapos na mabunyag ang pagpapakalat umano nito ng pekeng pera sa loob ng piitan.

Iginiit pa ni Abunales na kasalukuyang mino-monitor ang kilos ng iba pang preso na posibleng may kinalaman sa pagpapakalat ng mga pekeng pera sa NBP.

Dahil dito, sinabi ni Abunales na posibleng mabulok sa bilangguan si Sy bunga na rin ng panibagong kasong kakaharapin nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ABUNALES

AYON

DAHIL

FRANCISCO ABUNALES

LORDETH BONILLA

MAXIMUM SECURITY COMPOUND

NEW BILIBID PRISON

ROBERTO CRUZ

SI VICENTE SY

SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with