P1.50-M pekeng pera nasabat sa Bilibid
June 8, 2003 | 12:00am
Muling nadagdadagan ang kaso ng isang preso nang makumpiska dito ang mga pekeng pera na nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa P1.5 milyon na hinihinalang dadalhin sa isang Instik na nakabilanggo din para ipalit sa dalawang kilo ng shabu sa loob mismo ng control gate ng maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa, kahapon ng umaga.
Gayunman, masusing iniimbestigahan ng pamunuan ng Bilibid kung saan galing at kung papaano naipuslit ang mga pekeng pera sa loob ng piitan.
Bukod dito, inaalam din kung sa loob mismo ng NBP reservation ginagawa ang mga pekeng pera.
Kinilala ni Supt. Francisco Abunales ang nabukong inmate na si Roberto Cruz, na nakapiit sa medium security compound ng Camp Sampaguita ng NBP. Kasalukuyan na itong sumasailalim sa masusing interogasyon.
Ayon sa inisyal na ulat naganap ang insidente dakong alas-10:30 kahapon ng umaga sa control gate ng maximum compound.
Napag-alaman na magpapagamot si Cruz sa NBP Hospital na matatagpuan sa nabanggit na lugar nang magduda ang mga prison guard na nakatalaga sa kahina-hinalang ikinikilos nito.
Nang kapkapan si Cruz, nakita dito ang napakaraming bundle ng pekeng pera na ang denomination ay tig-1,000 at 500 piso. Aabot sa halagang P1.5 milyon ang kabuuan ng nasamsam na pekeng pera.
Malaki ang hinala ng mga awtoridad na palusot lang ni Cruz ang pagpapaospital nito at ang talagang sadya nito ay puntahan ang kanyang ka-transaksyon na pinaniniwalaang isang VIP inmate at posibleng ipampapalit sa dalawang kilo ng shabu. Hindi na nagbigay pa ng anumang impormasyon ang mga awtoridad tungkol dito, habang isinasagawa pa imbestigasyon ukol dito.
Inaalam din kung sinu-sino ang kasabwat nito sa loob.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended