Inihain na kahapon ni Bacolod City Rep. Monico Puentevella ang isang resolusyon na naglalayong ipatawag ang mga hosts ng MTB na sina Willie Revillame, Randy Santiago at John Estrada upang ipaliwanag ang mga bastos na jokes na sinasabi nila sa programa.
Partikular na pinuna ni Puentevella ang mga bastos na linya ng mga TV hosts nas mayroong double meaning katulad ng Jack Coll at Blow.
Inamin ng solon na labis siyang nagulat nang malaman niyang may iba pang kahulugan ang mga jokes katulad ng Jackol na ang ibig sabihin ay masturbation.
Panahon na aniya upang gumawa ng isang batas ang Kongreso na magpaparusa sa mga bastos na TV host dahil malaki ang epekto nila sa mga manonood.
"Magpakita naman sila ng good ethical at moral standard na puwedeng pamarisan ng mga kabataan, hindi yung puro kabastusan, ani Puentevella. (Ulat ni Malou R. Escudero)