^

Metro

Willie, Randy at John pinasisipa sa MTRCB

-
Pinakikilos ng isang mambabatas ang Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) para parusahan ang mga host ng Masayang Tanghali Bayan (MTB) dahil sa kanilang kabastusan.

Inihain na kahapon ni Bacolod City Rep. Monico Puentevella ang isang resolusyon na naglalayong ipatawag ang mga hosts ng MTB na sina Willie Revillame, Randy Santiago at John Estrada upang ipaliwanag ang mga bastos na jokes na sinasabi nila sa programa.

Partikular na pinuna ni Puentevella ang mga bastos na linya ng mga TV hosts nas mayroong double meaning katulad ng ‘Jack Coll at Blow’.

Inamin ng solon na labis siyang nagulat nang malaman niyang may iba pang kahulugan ang mga jokes katulad ng ‘Jackol’ na ang ibig sabihin ay masturbation.

Panahon na aniya upang gumawa ng isang batas ang Kongreso na magpaparusa sa mga bastos na TV host dahil malaki ang epekto nila sa mga manonood.

"Magpakita naman sila ng good ethical at moral standard na puwedeng pamarisan ng mga kabataan, hindi yung puro kabastusan,’ ani Puentevella. (Ulat ni Malou R. Escudero)

BACOLOD CITY REP

JACK COLL

JOHN ESTRADA

MALOU R

MASAYANG TANGHALI BAYAN

MONICO PUENTEVELLA

MOVIE TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

PUENTEVELLA

RANDY SANTIAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with