^

Metro

Bank employee niregaluhan ng bungo ng tao

-
Binalot ng matinding takot ang isang bank employee matapos siyang regaluhan ng isang bungo ng tao na hinihinalang mula sa kanyang kagalit, kahapon ng umaga sa loob ng pinapasukan nitong bangko sa Makati City.

Nakilala ang niregaluhan ng bungo na si Restituto Bayudan, 44, may asawa ng Eisenhower Bend, Parkwood Village, Maybunga, Pasig City.

Mabilis naman umanong tumakas ang suspect matapos ang isinagawang pananakot.

Ayon sa imbestigasyon ng Makati City police naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa loob ng bangkong pinaglilingkuran ni Bayudan na nasa panulukan ng Ayala Avenue at Paseo de Roxas.

Nabatid na nakatanggap ang biktima ng isang regalo na nakalagay sa isang kulay itim na plastic kung saan ay excited pa ito nang binuksan.

Laking gulat ng biktima nang makitang ang laman ng regalo ay isang bungo ng tao.

Matapos mahimasmasan dahil sa matinding takot at pagkatulala ay humingi ito ng tulong sa pulisya para alamin kung sino ang posibleng may gawa nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYALA AVENUE

AYON

BAYUDAN

BINALOT

EISENHOWER BEND

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

PARKWOOD VILLAGE

PASIG CITY

RESTITUTO BAYUDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with