5 'tulak' arestado

Limang kilabot na tulak ang nalambat ng mga tauhan ng WPD Drug Enforcement Unit matapos ang dalawang magkasunod na buy-bust operation, kamakalawa sa lungsod ng Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na si Mastrodem Familliar, 26; Rogelio Basarte, 35; Beatriz Corpuz. 53; Sylvia Villagracia, 54, at Ricardo Velez.

Sa ulat ng pulisya, unang nadakip sa operasyon sina Familiar, Basarte at Corpuz sa may Quiapo, Maynila.

Nasakote ang mga ito sa gitna ng transaksyon kung saan nakumpiska sa mga ito ang ilang pakete ng hinihinalang shabu.

Sumunod namang naaresto sina Villagracia at Velez sa Blumentritt, Sta. Cruz, Maynila.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments