^

Metro

Biktima ng pyramid nagbigti

-
Makaraang hindi matanggap na naglaho na lamang na parang bula ang kanyang naipong P1.7 milyon matapos na maloko sa pyramid scam, nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang lalaki, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Isagani Reyes, 47, ng Raja Soliman St., Marulas ng nasabing lungsod.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Alberto Eustaquio, may hawak ng kaso na dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang makita ang bangkay ni Reyes na nakabitin sa loob ng kanilang bahay.

Base sa ulat, isang seatbelt na ikinabit sa biga ng kusina ang ginamit ni Reyes sa kanyang pagpapakamatay.

Binanggit pa ni Ma. Arlene Reyes, 35, maybahay ng nasawi na hindi umano matanggap ng kanyang asawa ang ginawang panloloko sa kanila ng kompanyang MMG na sangkot sa pyramid scam na nilagakan nila ng kanilang ipon na aabot sa P1.7 milyon.

Bago ang isinagawang pagpapakamatay, kapansin-pansin na ang pagiging malungkutin ng kanyang mister at hinayang na hinayang sa perang nawala sa kanila.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon upang matiyak na walang naganap na foul play sa nasabing insidente. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ALBERTO EUSTAQUIO

ARLENE REYES

BINANGGIT

CALOOCAN CITY

ISAGANI REYES

MAKARAANG

MARULAS

RAJA SOLIMAN ST.

REYES

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with