Musical director, writer nilooban patay
June 3, 2003 | 12:00am
Patay na nang matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang isang musical director at writer na pinaniniwalaang pinaslang ng grupo ng akyat-bahay gang sa Quezon City kahapon.
Nakilala ang mga nasawi na sina Danny Holmsen, 72 , musical director at ang writer na si Norman Francisco, na kapwa naninirahan sa Harvard St., Cubao, Quezon City.
Nabatid sa ulat na may pitong oras nang patay ang dalawang biktima nang matuklasan ang naganap na krimen. Si Holmsen ay basag ang bungo, habang si Francisco naman ay nagtamo ng limang saksak sa katawan. Basag din ang bungo nito matapos paluin ng matigas na bagay .
Si Francisco ay nagkapag-contribute ng mga artikulo sa Bagong Sibol ng PSN at sa Bagong Tinta ng PM.
Lumitaw sa imbestigasyon na posibleng pinasok ng grupo ng mga suspect ang bahay ng dalawa dakong alas- dose ng hatinggabi habang natutulog ang mga biktima.
Pinaniniwalaang nagising ang dalawa kung kaya tuluyan na silang pinaslang ng mga suspect.
Hindi pa mabatid kung magkanong halaga ang nawala sa mga biktima. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest