^

Metro

9-anyos pinaghinalaang espiya, tinarakan ng adik

-
Dahil sa ‘tamang hinala’ na epekto ng droga, wala sa sariling hinabol ng saksak ng isang durugista ang isang 9-anyos na bata na nasa kritikal na kondisyon ngayon, kahapon ng umaga sa lungsod ng Maynila.

Ginagamot ngayon sa loob ng Tondo Medical Hospital dahil sa saksak sa braso at sa likod ang biktimang si Gerard Villaflores, ng 240-C Rodriguez St., Balut, Tondo ng naturang lungsod.

Agad namang nadakip at nakaditene na sa himpilan ng pulisya ang suspect na si Edgardo Labrador, 24, ng Quezon City.

Sa ulat ni SPO2 Antonio Ravarera, naganap ang insidente dakong alas-11 kahapon ng umaga sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Nabatid na dumalaw ang suspect sa isang kaibigan nito na kapitbahay ng biktima at doon umiskor ng droga. Napadaan naman sa naturang bahay ang biktimang si Villaflores at naaliw na tinignan ang mga isda sa aquarium sa labas ng bahay na doon umiiskor ng droga ang suspect.

Namataan ng suspect ang bata na pinaghinalaan nitong nag-eespiya sa kanya kaya hinabol niya ito ng saksak. Nagawa namang makatakbo hanggang sa kanilang bahay ng biktima ngunit pinasok pa rin ito ng suspect at doon pinagsasaksak.

Nasakote ng taumbayan ang suspect dala ang patalim na ginamit nito sa krimen at pinagtulung-tulungang gulpihin bago isinuko sa pulisya. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANTONIO RAVARERA

C RODRIGUEZ ST.

DAHIL

DANILO GARCIA

EDGARDO LABRADOR

GERARD VILLAFLORES

GINAGAMOT

MAYNILA

QUEZON CITY

TONDO MEDICAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with