^

Metro

Sulat ginagamit sa pagpasok ng Ecstasy

-
Naipapasok ang Ecstacy tablet sa pamamagitan ng mga sulat.

Ito naman ang nakuhang impormasyon ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) matapos na isailalim sa tactical interrogation ang mga suspect na sina Jerome Magno, 32; Paulo de Asis, 25; Robert Amado Ruiz, 28; Ronald Vasquez, 25 at Demetriou Bautista na pawang mga residente ng kilalang Corinthian Gardens sa Quezon City.

Ayon kay Supt. Miguel Laurel, Intelligence chief ng NCRPO, kasalukuyan silang nagsasagawa ng paraan kung paano masasawata ang pagpasok ng Ecstacy tablet bagama’t wala pa silang natatanggap na ulat na mga remnants ng Corinthian Boys ang nagsasagawa ng operasyon.

Ang limang suspect ay naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa Metro Manila. Subalit sina Magno at de Asis na lamang ang nananatili sa kulungan matapos na ibasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang kanilang piyansa.

Sina Ruiz, Vasquez at Bautista ay pinalaya na dahil na rin sa kawalan ng sapat na ebidensiya laban sa mga ito.

Lumilitaw din sa listahan ng Corinthian Boys ang mga pangalan ng kilalang movie personalities subalit tumanggi ang PACER na ibunyag ang mga pangalan ng mga ito. (Ulat ni Doris Franche)

ASIS

CORINTHIAN BOYS

CORINTHIAN GARDENS

DEMETRIOU BAUTISTA

DORIS FRANCHE

ECSTACY

JEROME MAGNO

METRO MANILA

MIGUEL LAUREL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with