^

Metro

Nagtalo sa trapik: Sarhento binaril ng tinyente

-
Isang opisyal ng Philippine Army (PA) ang nahaharap ngayon sa kasong frustrated homicide matapos nitong barilin ang isang sarhento na kanyang nakagitgitan sa trapiko noong Huwebes sa bayan ng Taguig.

Nasa custody ngayon ng Provost Marshall ng AFP ang suspect na nakilalang si 1st Lieutenant Ulysses Laude na nakatalaga sa 141B, 8IB, P.A. sa Fort Bonifacio ng naturang bayan.

Ginagamot naman sa Fort Bonifacio Hospital ang biktima na nakilalang si Sgt. Niel Guavino, miyembro din ng P.A. matapos na magtamo ng tama ng kalibre 45 ng baril sa katawan.

Hiniling naman ng asawa ng biktima na si Jessie Jasmine Guavino na ilipat sa custody ng pulisya ang suspect sa takot na magkaroon ng whitewash sa kaso.

Aniya, police matter ang kaso kung kaya’t dapat lamang na pulis din ang magbantay sa suspect na isang opisyal P.A.

Batay sa rekord ng pulisya, nagkagitgitan ang suspect at ang biktima sa trapiko noong Huwebes.

Bigla umanong nagalit ang suspect kung kaya’t binaril nito ang biktima at mabilis na tumakas matapos ang insidente. Subalit sumuko ito noong Biyernes sa Provost Marshall ng AFP. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANIYA

FORT BONIFACIO

FORT BONIFACIO HOSPITAL

HUWEBES

JESSIE JASMINE GUAVINO

LIEUTENANT ULYSSES LAUDE

LORDETH BONILLA

NIEL GUAVINO

PHILIPPINE ARMY

PROVOST MARSHALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with