2 salising bebot, timbog
June 1, 2003 | 12:00am
Dalawang dalaga na hinihinalang miyembro ng "Salisi Gang" at sakay ng isang Mitsubishi Adventure ang nasakote ng pulisya matapos mangulimbat ang mga ito ng 30 latang gatas sa apat na grocery stores kahapon ng hapon sa Parañaque City.
Sa report na natanggap ni Police Supt. Ronald Estilles, hepe ng Parañaque City Police, kinilala ang mga suspect na nadakip na sina Jamaica Ledesma, 28, tubong-Bacolod at Jenny Reyes, 21, tubong-Jaro, Iloilo. Nakatakas naman ang dalawang lalaki na kasama ng mga ito.
Ayon sa imbestigasyon ng Parañaque City Police, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-12 at 1:00 kahapon ng hapon sa kahabaan ng Sucat Road ng nabanggit na lungsod.
Nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na apat na grocery ang sinalakay ng mga suspect kabilang ang Mercury Drug sa Jacka Plaza, Sucat Road, malapit sa BF Homes.
Nasakote ng pulisya ang mga suspect na sakay ng isang puting Mitsubishi Adventure, may plakang XAK-440. Nakumpiska sa mga suspect ang 30 pirasong lata ng gatas na nagkakahalaga ng P12,000. Sa ngayon, ang mga suspect ay nakakulong sa naturang himpilan ng pulisya at kasalukuyang iniimbestigahan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended