^

Metro

4 big-time kidnappers nalambat

-
Apat na pinaghihinalaang miyembro ng big-time kidnapping syndicate na aktibong nag-ooperate sa Metro Manila at karatig lalawigan ang nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Police Anti-Crime and Emergency Response (PACER) at iba pang law enforcement agencies sa isinagawang serye ng operasyon.

Kinilala ni PNP chief Director General Hermogenes Ebdane ang mga nadakip na sina Primo Arena; Antonio Tan; William Alcantara at Demetrio Manliclic. Ang apat ay nadakip sa magkakasunod na operasyon na isinagawa sa Metro Manila at Rizal.

Base sa ulat ng pulisya, ang apat ay dawit sa pagkidnap sa shoe magnate na si Danilo Tiu na dinukot sa Antipolo City noong nakalipas na Mayo 23.

Anim na milyong piso ang hinihingi ng mga suspect na inihanda na ng pamilya ng biktima subalit hindi nakaabot sa kamay ng mga kidnapper makaraang makatakas si Tiu bago pa magkabayaran.

Si Arena ay itinuturo ding sangkot sa pagdukot kay Channie Tan Son noong 1999, habang si Tan ay isinasangkot sa pagdukot sa apat na batang Chinese noong 1998.

Sa interogasyon inamin ng mga suspect ang kanilang partisipasyon sa kidnapping nina Mayson at Jenny Ang sa Valenzuela City kamakailan.

Ang apat ay una nang nadakip ng mga tauhan ng PAOCTF subalit nakatakas sa Quezon City Jail noong nakalipas na Pebrero 11 ng taong kasalukuyan at muling nakapagsagawa ng mga pangingidnap. (Ulat ni Joy Cantos)

ANTIPOLO CITY

ANTONIO TAN

CHANNIE TAN SON

DANILO TIU

DEMETRIO MANLICLIC

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE

JENNY ANG

JOY CANTOS

METRO MANILA

POLICE ANTI-CRIME AND EMERGENCY RESPONSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with