^

Metro

6 PBA players positibo sa droga

-
Anim na players ng Philippine Basketball Association (PBA) ang positibo sa paggamit ng shabu, habang isa naman ang positibong gumagamit ng marijuana.

Ito ang lumabas sa confirmatory testing na isinagawa ng PNP-Crime Laboratory upang alamin kung sinu-sino sa mga iniidolong PBA players ang gumagamit ng droga matapos na pumutok ang kontrobersiya ukol dito.

Una rito, 11 urine samples ang naging positibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawa namang initial drug testing ng Department of Health at upang malinawan ito ay isinunod naman ang confirmatory testing ng PNP-Crime Lab.

Sa panayam kahapon kay Chief Insp. Julieta de Villa, chemist ng PNP-Crime Lab, sinabi nito na sa 11 player na sinuri, lima ang positibo sa paggamit ng shabu at isa naman ang sa marijuana.

Nabatid na noon pang Marso 14, 2003, nagpasa ang 11 PBA players ng kanilang urine samples subalit ngayon lamang inilabas ang resulta.

Kinilala naman ang mga player na sina Dorian Peña ng San Miguel; Davon Harp, Red Bull, Ryan Bernardo, FedEx; Noli Locsin, Long David ng Talk N’ Text at Zandro Limpot ng Barangay Ginebra.Pawang coded ang mga urine samples na ipinadala sa kanilang laboratoryo. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY GINEBRA

CHIEF INSP

CRIME LAB

CRIME LABORATORY

DAVON HARP

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIAN PE

JOY CANTOS

LONG DAVID

NOLI LOCSIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with