^

Metro

Karnaper nang hostage,patay sa pulis

-
Binaril at napatay ng mga tauhan ng pulisya ang isang hindi nakikilalang lalaki na nang-hostage at nakasugat sa isang manager ng department store matapos ang bigong pangangarnap, kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.

Namatay noon din ang hindi pa nakikilalang suspect na isang mestisuhin, may taas na 5’6 talampakan at may katamtamang pangangatawan bunga ng tinamong tama ng bala sa ulo.

Samantala, nakilala naman ang sugatang hostage na si Regina Salve Pulido, 35, manager ng Rustan’s Department Store na ang sangay ay nasa Alabang at naninirahan sa Posadas Village, Barangay Sucat, Muntinlupa City, habang nakaligtas naman sa tiyak na kapahamakan ang isang anak nito na hindi binanggit ang pangalan.

Base sa isinagawang imbestigasyon, nagsimula ang insidente dakong alas-10 kamakalawa ng gabi sa harapan ng Filinvest Fiesta Mall sa Barangay Alabang ng nabanggit na siyudad.

Napag-alaman na lulan ang mag-anak ng biktima sa kanilang Mitsubishi Lancer na pansamantalang ipinarada ng mister ni Regina sa naturang lugar.

Naiwan sa loob ng sasakyan si Regina at isang anak ng bigla na lamang pumasok sa loob ng sasakyan ang suspect at agad na tinutukan ng patalim ang ginang.

Mabilis namang na-rescue ng mga guwardiya sa mall at ilang pulis ang anak ni Regina kung kaya ito ang naiwan sa kotse kasama ng suspect.

Sa takot na masukol tuluyang hinostage ng suspect ang ginang na pinagmaneho sa South Expressway sa Sucat at nagpabalik sa Alabang.

Sumusunod naman ang mga nagrespondeng tauhan ng pulisya na nasaksihan ang ginagawang pananaksak ng suspect sa bihag kung kaya agad na kumilos ang mga tauhan ng SWAT at nang makakita ng pagkakataon ay pinatamaan na ang suspect na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Malaki ang paniwala ng pulisya na tangkang karnapin ng suspect ang sasakyan ng biktima subalit ng masukol ay napilitan na itong i-hostage ang ginang. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALABANG

BARANGAY ALABANG

BARANGAY SUCAT

DEPARTMENT STORE

FILINVEST FIESTA MALL

LORDETH BONILLA

MITSUBISHI LANCER

MUNTINLUPA CITY

POSADAS VILLAGE

REGINA SALVE PULIDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with