Fetus lumutang sa kanal
May 26, 2003 | 12:00am
Isang fetus na pinaniniwalaang itinapon ng walang pusong ina ang natagpuang lulutang-lutang kahapon ng tanghali sa Quezon City.
Batay sa ulat ni PO3 Edwin dela Cruz ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), dakong ala 1:30 ng tanghali nang matagpuan ni Alex Ceperlo ang limang buwang fetus na lumulutang sa kanal sa tapat ng isang bilyaran sa Luzon Ave. sa Veterans Village, Brgy. Pasong Tamo ng nasabing lungsod.
Kasalukuyang naglalakad si Ceperlo nang mapansin nito na may halong dugo ang tubig na dumadaloy sa kanal.
Agad itong nilapitan ni Ceperlo at laking gulat nito nang makita na isang fetus ang nababalutan ng lumang damit.
Sinabi ni dela Cruz na posibleng katatapon lamang ng fetus dahil sariwa pa ang dugo na makikita dito.
Dinala naman ng mga awtoridad ang fetus sa Prudential Funeral Homes.
Isang babae naman ang pinaghahanap matapos na makita umano ng ilang residente na isang supot ang ibinaba nito sa kanal. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am