Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-3:30 ng hapon nang tutukan ng baril ng grupo ni Noel Sarmiento kasama ang 20 kagawad ng Dept. of Safety and Traffic Management (DPSTM) si Roderick Pioquinto.
Nabatid na bago maganap ang insidente ay nagtungo sa naturang lugar ang mga bodyguard ni Echiverri matapos na makatanggap ng tawag mula sa mga supporter nito na tinatanggal ng mga tauhan ni Malonzo ang mga streamer ng kongresista.
Kaagad nagtungo ang grupo ni Pioquinto at nadatnan ang grupo ni Sarmiento na tinatanggal ang mga poster at streamer ni Echiverri dahilan upang sitahin ito ng una.
Subalit bigla na lamang bumunot ng baril si Sarmiento at tinutukan si Pioquinto.
Mabilis namang rumesponde ang mga kagawad ng Caloocan Police at naawat ang dalawang grupo na posibleng mauwi sa barilan. (Ulat ni Gemma Amargo)