Bata ni Malonzo at Echiverri nagtutukan
May 25, 2003 | 12:00am
Kamuntik nang dumanak ang dugo sa isang pistahan matapos na tutukan ng baril ng mga tauhan ni Caloocan City Mayor Reynaldo Malonzo ang mga bodyguard ni Congressman Enrico "Recom" Echiverri matapos na sitahin ng huli ang una sa dahilang pagtatanggal ng poster nito kahapon ng hapon sa Caloocan City.
Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-3:30 ng hapon nang tutukan ng baril ng grupo ni Noel Sarmiento kasama ang 20 kagawad ng Dept. of Safety and Traffic Management (DPSTM) si Roderick Pioquinto.
Nabatid na bago maganap ang insidente ay nagtungo sa naturang lugar ang mga bodyguard ni Echiverri matapos na makatanggap ng tawag mula sa mga supporter nito na tinatanggal ng mga tauhan ni Malonzo ang mga streamer ng kongresista.
Kaagad nagtungo ang grupo ni Pioquinto at nadatnan ang grupo ni Sarmiento na tinatanggal ang mga poster at streamer ni Echiverri dahilan upang sitahin ito ng una.
Subalit bigla na lamang bumunot ng baril si Sarmiento at tinutukan si Pioquinto.
Mabilis namang rumesponde ang mga kagawad ng Caloocan Police at naawat ang dalawang grupo na posibleng mauwi sa barilan. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest