Lalaking susuko pinatay ng mga kasamahan
May 24, 2003 | 12:00am
Isang binata ang binaril ng kanyang mga kasamahan nang susuko na ito sa mga awtoridad na nagsasagawa ng follow-up operation kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Patay na nang idating sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktima na nakilalang si Mamari Dimaparo, 25, ng Oyer St. North Fairview, Q.C. sanhi ng maraming tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang dalawa pang suspect na nakilalang sina Kiram at Saripuda Baharat kapwa residente ng Kaunlaran St. Brgy. Commonwealth ng nabanggit ding lungsod.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9 ng gabi nang magsagawa ng follow-up operation ang pulisya laban kina Dimaparo at magkapatid na Baharat kaugnay ng pagbaril at pagpatay sa isa ring Muslim na si Havi Abdul Bam Angui, 64 sa tapat ng billiard hall sa kahabaan ng Kaunlaran St. noong hapon ng Huwebes. Namatay si Angui habang ginagamot sa FEU Hospital.
Ayon sa pulisya, ipinasya ni Dimaparo na sumuko na subalit bigla itong binaril ng magkapatid na Baharat at mabilis na tumakas. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest