^

Metro

Bahay ni Anne Curtis pinasok ng Akyat-Bahay

-
Pinasok at pinagnakawan ng umano’y mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang ang bahay ng aktres na si Anne Curtis-Smith kamakalawa ng tanghali sa Mandaluyong City.

Batay sa imbestigasyon ng Mandaluyong Police na dakong alas-12 ng tanghali nang madiskubre ng aktres ang nawawala nitong video camera na nagkakahalaga ng P40,000.

Base sa salaysay ni Curtis, dakong alas-12 ng tanghali nang umalis siya ng kanilang bahay sa #201 Dama de Noche St. cor. Ilang-Ilang St., Ayala Homes, Brgy. Barangka Drive ng naturang lungsod kasama ang kanyang alalay na si Mary Ann Ontay at driver na si Jimmy Cello.

Nabatid na nagtungo ang mga ito sa isang mall sa Quezon City kung kaya’t maaari umanong nang umalis ng bahay ang aktres ay saka pinasok ng mga suspect ang bahay nito.

Maaaring dumaan ang mga suspect sa water tank ng bahay upang makapasok at saka sinira ang pinto sa kusina habang ang isa pang suspect ay nagsilbing lookout. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

ANNE CURTIS-SMITH

AYALA HOMES

GEMMA AMARGO

ILANG-ILANG ST.

JIMMY CELLO

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG POLICE

MARY ANN ONTAY

NOCHE ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with