Opisyal at tauhan ng QCJ nasa 'hot water'
May 23, 2003 | 12:00am
Nalalagay ngayon sa "hot water" ang pamunuan ng Quezon City Jail makaraang magsampa ng reklamo ang Korean Embassy hinggil sa umanoy pambubugbog ng ilang jailguards sa presong Koreano at 12 iba pa noong Martes ng gabi sa loob ng naturang piitan.
Batay sa nakalap na impormasyon, dakong alas-9 noong Martes nang makipagtalo sina Bong Ko Chun, 10 Chinese at dalawang Taiwanese sa mga mayayamang presong dayuhan din.
Nagsimula ang gulo sa agawan ng mga ito sa lutuan.
Nagsumbong ang mga mayayamang foreigner sa mga jailguards na naging dahilan upang ipatawag ng tatlong jailguard sina Chun at 12 iba pa.
Dinala sila ng mga jailguards sa likod ng chapel at doon ay tinakpan ang mukha at 40 minutong ginulpi.
Bunga nito, nagsumbong kay Korean Vice Consul Kim Hong Ki si Chun kung kayat nagtungo ito sa QCJ.
Ayon kay Ki, inihahanda nila ang isasampang kaso sa Department of Justice laban kay QC Jailwarden Supt. Gilberto Marpuri at sa mga jailguards nito.
Pilit namang kinuhanan ng pahayag si Marpuri subalit wala ito sa kanyang tanggapan. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest