Singaporean tumalon sa ika-22 palapag ng gusali, patay

Isang Singaporean ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ika-22 palapag ng gusali ng Platinum building 2000 kahapon ng umaga sa Greenhills, San Juan.

Halos hindi na makilala pa ang mukha ng biktima na si Abby Bueno Bey, Li-Yuan 17, ng Cainta, Rizal at isang valedictorian sa Reedly International School sa Pasig City matapos itong tumalon sa nasabing gusali sa No. 7 Annapolis St. Greenhills at bumagsak sa bubungan ng PNP-TMG at tumalbog sa likurang bahagi ng naturang tanggapan.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga nang marinig ng isang pulis ng TMG ang malakas na kalabog at nakitang sabog ang bungo ng biktima.

Malaki naman ang hinala ng pulisya na mabigat ang dinadalang problema ng biktima dahil kapansin-pansin ang paglobo ng tiyan nito na palatandaan na ito ay buntis.

Matatandaan na dito rin sa gusaling ito nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ika-siyam na palapag ang dating aktres na si Ma. Theresa Carlson noong Nobyembre 2001. (Ulat nina Gemma Amargo at Joy Cantos)

Show comments