Ina pinugutan ng anak
May 23, 2003 | 12:00am
Makaraang tumangging magbigay ng pera, isang 65- anyos na ginang ang pinugutan ng ulo ng kanyang sariling anak na dating mental patient kahapon ng umaga sa Muntinlupa City.
Idineklarang dead-on- the-spot ang biktima na nakilalang si Angeles Uy, biyuda ng Purok 6, Pasong Makipot, Brgy. Putatan ng naturang lungsod. Agad namang nadakip ang suspect at anak ng biktima na si Noel, 35, at dating pasyente ng National Mental Hospital.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga sa loob mismo ng bahay ng biktima.
Humihingi ang suspect ng pera sa biktima upang makauwi umano sa Mindanao na hindi naman pinagbigyan ng una.
Nagalit ang suspect at nagwala hanggang sa kunin nito ang kutsilyo at gilitan ng leeg ang biktima na naging sanhi ng pagkaputol ng ulo nito.
Dahil dito,posibleng muling ibalik sa mental hospital ang suspect matapos isagawa ang karumal-dumal na krimen. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended