^

Metro

6 na hijackers timbog

-
Anim na kalalakihan na umano’y miyembro ng isang hijacking syndicate na responsable sa pangha-hijack sa isang cargo truck na naglalaman ng P3.6 milyong halaga ng mga imported fabric ang naaresto sa isinagawang entrapment operation ng National Capital Region Police Office (NCRPO) .

Kasalukuyan ngayong nakaditene sa himpilan ng pulisya ang mga nadakip na suspect na sina Jesus Lusong; Julio de Dios; Oscar Villanueva; Alfredo dela Cruz; Conrado Santos at Rodolfo Debotas.

Base sa ulat ng pulisya, hinarang at tinangay ng mga suspect ang isang cargo truck na naglalaman ng 1,825 rolls ng mga imported fabric na pag-aari ng Global Armstrong Corp. sa Dr. A Santos Avenue, Brgy. Dionisio, Parañaque City.

Sa interogasyon ng pulisya sa driver ng nasabing cargo truck na si Ernie Go, inamin nito na kinausap siya ng kanyang kasamahang driver na nakilalang si Edito Suyang na hayaan kunin ng mga suspect ang mga kontrabado kapalit ng halagang P50,000.

Dahil dito, kaagad naman na nagsagawa ng entrapment operation ang awtoridad sa Barangay Bagbagin, Santa Maria. Bulacan kung saan babayaran umano ni Suyang si Go sa pakikipagsabwatan sa mga suspect na nagresulta sa pagkaaresto ng mga ito.

Bagamat nadakip na ang mga suspect ay hindi pa rin narerekober ng pulisya ang mga imported fabric. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BARANGAY BAGBAGIN

CONRADO SANTOS

DR. A SANTOS AVENUE

EDITO SUYANG

ERNIE GO

GLOBAL ARMSTRONG CORP

JESUS LUSONG

LORDETH BONILLA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with