Amerikano inaliw muna bago ninakawan
May 20, 2003 | 12:00am
Tinatayang aabot sa P250,000 cash ang natangay ng isang babae na hinihinalang miyembro ng Salisi Gang sa isang Amerikano matapos ang kanilang mainit na pagtatalik, kahapon ng madaling-araw sa lungsod ng Maynila.
Dumulog sa WPD Theft and Robbery Section ang biktimang si Charlie Stoudenmire, 52, dating US Merchant Marine at nanunuluyan sa Mabini Pension House sa Ermita, Manila.
Inireklamo nito ang suspect na nakilala lamang sa pangalang Sandy Ivy, 25, may taas na 55 at tubong Tacloban, Leyte.
Sa kanyang salaysay sa pulisya, nabatid na ipinakilala umano sa kanya ang suspect ng isang Helen na nakilala naman niya sa Sugarcane Bar sa Mabini noong nakalipas na linggo.
Magpapadala umano ito ng isang babae sa kanyang pension house upang siya ay aliwin.
Kamakalawa ng gabi ng dumating umano ang suspect na si Ivy.
Matapos umano silang magtalik nito ay lumabas muna sila para kumain sa isang restaurant at nang bumalik sila sa pension house ay nakaramdam na siya ng pagkapagod na naging dahilan upang siya ay makatulog. Doon na umano sinamantala ni Ivy na kulimbatin ang kanyang $5,000 at P17,000 cash.
Wala na umano ang suspect ng siya ay magising. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended