Tsinoy na iniulat na kinidnap nagtanan lang pala
May 18, 2003 | 12:00am
Dahil sa matinding pagtutol ng kanyang pamilya sa natipuhang babae, isang negosyanteng Filipino-Chinese na naiulat na kinidnap ang nadiskubreng tumakas lang pala sa kanyang mga magulang at nagtanan ng kanyang minamahal sa lungsod ng Maynila.
Unang inakala ng pamilya ni Henderson Tiu, 45, ng Dau St., Midtown Executive Homes, Ermita, Manila na kinidnap ito kaya agad na ipina-blotter ang kanyang pagkawala sa Western Police District-General Assignment Section ang insidente.
Nabatid na nawala noon pang Mayo 11 si Tiu at hindi man lamang kumontak sa kanyang mga magulang at ibang mga kaanak ukol sa kanyang kinaroroonan. Dito nataranta ang pamilya nito na inakalang nabiktima na ito ng kidnap-for-ransom.
Matapos ang anim na araw, lumutang kahapon ng umaga si Tiu sa kanyang tahanan dala ang kanyang bagong asawang si Arlene Santos, 32, consultant ng Gerber baby foods sa Robinsons supermart.
Nabatid na malaki umano ang pagtutol ng pamilya ni Tiu kay Santos dahil sa nais ng mga ito na sundin ang kanilang tradisyon na papakasal din ito sa isa nilang kalahi na Intsik.
Labis naman ang pagmamahal ni Tiu kay Santos kaya hindi ito nagpaalam sa kanyang pamilya at itinanan ang kasintahan. Pinakasalan na rin ni Santos upang hindi na makakontra ang kanyang maka-lumang pamilya sa kanilang pag-iibigan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest