^

Metro

Paslit ginilitan nang nag-amok na tiyo

-
Ginilitan at napatay ang isang taong gulang na batang lalaki, samantalang apat pa katao ang malubhang nasugatan kabilang ang mga magulang ng nasawi matapos na mag-amok ang tiyuhin ng una makaraang ma-praning nang hindi samahan sa tinitirhan ng kanyang asawa sa Bagong Silang, Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Namatay habang ginagamot sa Martinez Memorial Hospital sanhi ng malaking hiwa sa leeg ang biktimang si Rondel Barba, ng Sawata 2, Block 7, Maypajo ng nabanggit na lungsod.

Sugatan naman ang mag-asawang sina Rodito Barba, 45 at Linda, 40, mga magulang ng bata; Ernesto Ducan, 33, at Ramil Girfel, 24.

Arestado naman at kasalukuyang nakakulong ang suspect na si Albert Quano,35, tiyo ng biktima at pansamantalang nanunuluyan sa bahay ng mag-asawang Barba.

Base sa ulat ni SPO2 Antonio Peñaranda, may hawak ng kaso na dakong alas-3:30 ng hapon ng maganap ang insidente sa loob mismo ng bahay ng pamilya Barba.

Nabatid na apat na araw ng nanunuluyan ang suspect sa pamilya makaraang lumuwas ito buhat sa probinsiya. Nabatid na nakitaan na ito ng kakaibang kilos dahil na rin sa tatlong buwan na umanong hindi nakikita ng suspect ang misis na nakatira sa Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Bago naganap ang pag-aamok ng suspect ay nagpapasama ito sa kanyang mga pinsan para dalawin ang kanyang misis.

Nang hindi siya samahan ay bigla na lamang itong nagwala at hinaltak agad ang batang biktima na noon ay karga ni Linda at saka tinutukan ng kutsilyo sa leeg.

Dahil dito, tinangka ng mag-asawa na kunin ang bata subalit agad itong ginilitan ng leeg ng suspect. Bukod dito, inundayan din niya ng mga saksak ang mag-asawa.

Nang makalabas ng bahay si Quano ay inundayan din nito ng saksak ang lahat ng kanyang masalubong.

Agad namang nagtulung-tulong ang mga residente at barangay tanod sa lugar at nadis-armahan at nadakip ang suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ALBERT QUANO

ANTONIO PE

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

ERNESTO DUCAN

MARTINEZ MEMORIAL HOSPITAL

NABATID

NANG

RAMIL GIRFEL

RODITO BARBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with