^

Metro

Parak sugatan sa pamamaril ng hepe

-
Malubhang nasugatan ang isang miyembro ng District Intelligence and Investigation Division (DIID) ng NPD matapos itong tamaan ng bala ng baril mula sa kanyang hepe matapos na barilin ng huli ang isa nilang kasamahan sa loob ng kanilang tanggapan, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng isang tama ng bala ng baril sa kanang pigi si PO1 Roger Giwagiw.

Nasa floating status naman ang hepe ng DIID na si Inspector Ferdinand del Rosario at PO1 Jose Santos matapos na mag-away ang mga ito na nagresulta sa pagkasugat ni Giwagiw.

Sa nakalap na impormasyon, dakong alas-4 ng hapon nang maganap ang insidente sa tanggapan ng mga ito na matatagpuan sa Langaray St., Kaunlaran Village, Caloocan City.

Base sa inisyal na imbestigasyon, una umanong inutusan ni Inspector del Rosario si PO1 Santos upang magsagawa ng surveillance laban sa isang tao, ngunit tumanggi naman ang huli at idinahilan na wala siyang gasolina.

Nainis umano ang hepe sa inasal ng tauhan hanggang sa magkaroon ng pagtatalo at nagsigawan na humantong sa pagbunot at pagbaril ng una.

Minalas naman si Giwagiw na siya ang tinamaan ng bala na pinakawalan ng hepe na ang target ay si Santos.

Matatandaan na noong huling linggo ng Marso ay nagkaroon din ng barilan sa loob ng nasabing opisina na noo’y tanggapan pa ng District Drug Enforcement Group na ikinamatay ni PO3 Eduardo Gaddi at ikinasugat naman nina Supt. Reynaldo Orante at SPO4 Jorge Tabayag. (Ulat ni Rose Tamayo)

CALOOCAN CITY

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

DRUG ENFORCEMENT GROUP

EDUARDO GADDI

GIWAGIW

INSPECTOR FERDINAND

JORGE TABAYAG

JOSE SANTOS

KAUNLARAN VILLAGE

LANGARAY ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with