Dahil sa kaning lamig, binatilyo tinarakan
May 14, 2003 | 12:00am
Namatay ang isang binatilyo matapos itong pagtulungang saksakin ng dalawa niyang kasamahan sa trabaho makaraang kainin umano ng una ang kaning lamig na itinabi ng mga suspect kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.
Nasawi habang isinusugod sa pagamutan sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan ang biktimang si Simeon Jalmasco, 22, walang tiyak na tirahan.
Pinaghahanap naman ang mga suspect na sina Danny Rendon at Danny Acab, kapwa kasama sa trabaho ng biktima.
Sa ulat, dakong alas-12:05 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa ginagawang bahay ng biktima at ng mga suspect na matatagpuan sa kahabaan ng Santiago St., Paso de Blas ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ilang mga residente na bago naganap ang krimen ay namataan nilang nag-iinuman ang dalawang suspect at nang matapos ang mga ito ay hinanap ang itinirang kaning lamig na nakalagay sa isang plastic na plato.
Pinagbintangan ng mga suspect ang biktima na agad nilang kinompronta.
Nauwi ito sa mainitang komprontasyon hanggang sa kapwa bumunot ng patalim ang mga suspect at pinagsasaksak si Jalmasco bago mabilis na tumakas. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest