CAMANAVA alerto sa kidnap-for-ransom group
May 12, 2003 | 12:00am
Inalerto ngayon ng Northern Police District Office ang apat na hepe ng nasasakupan nito upang manmanan ang muling pagsalakay ng kidnap-for-ransom group na nambibiktima ng mga Korean.
Ayon kay NPDO chief Sr. Supt. Marcelino Franco, Jr. ang kanyang kautusan ay bunsod ng pagkakadukot sa Korean na si Bong Jae Ko noong Martes sa Chow Queen Bldg., Sipac, Navotas. Ito ay napalaya matapos na magbayad ng P1 milyong ransom .
Nabatid kay Franco na may natanggap din silang impormasyon na sentro ngayon ng naturang grupo ang CAMANAVA area kung kayat inutos din niya ang pagpapalawak sa intelligence network ng apat na distrito ng pulisya.
Sa katunayan, isang mestisang Filipino-Chinese hog dealer sa Caloocan City ang umanoy dinukot ng walong armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng grupo dakong alas-2 ng madaling araw kamakalawa.
Sapilitang isinakay ng mga suspect sa isang puting Mitsubishi Adventure na walang plaka ang biktima habang naglalakad patungo sa kanyang puwesto sa palengke.
Kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya kasabay ng panghihikayat sa pamilya nito na makipagtulungan sa mga awtoridad. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended